Namayagpag ang mga delegado ng Bayan ng Tupi sa Provincewide
Inter-School Competition kaugnay sa isinagawang National Disaster Consciousness
Month Culmination Program sa Provincial Covered Court, Lungsod ng Koronadal,
July 31.
.
 |
Nakuha ni Andrei Alfrenz Manchures ng Tupi Central School ang unang pwesto sa Quiz Bee Competition, Elementary Level. Ang coach ni Manchures ay si Christie Lou Carillo, guro ng nasabing mababang paaralan. |
 |
Samantala, nasungkit naman ni Danver Ladrillono ng Tupi National High School ang pangatlong pwesto sa On-the-Spot Poster Making Contest. Si Fortunato Bacus naman ang coach ni Ladrillono na guro ng naturang mataas na paaralan. |
Kasabay ding ginanap sa araw na ito ang Awarding
Ceremony ng Best Prepared Local Disaster Risk Reduction and Management Councils
na kung saan pinangaralan ang Tupi-MDRRMC at Cebuano-BDRRMC bilang Gawad
KALASAG- Provincial winners.
Ang parangal na
Gawad Kalasag o Kalamidad at Sakuna Labanan, Sariling Galing ay Kaligtasan, ay
iginawad ng National disaster Risk Reduction and Management Council sa mga
Local na DRRMC na may kahusayan sa pamamahala sa anumang sakuna at aktibong
naghahatid ng tulong sa mga apektadong indibidwal.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento