Mga Pahina

Martes, Hulyo 28

Bayan ng Tupi matagumpay na ipinagdiwang ang 41st Nutrition Culmination


Matagumpay na natapos ang pagdiriwang ng 41st Nutrition Culmination  ngayong araw sa sa Bayan ng Tupi na ginanap sa Tupi Sports and Cultural Gymnasium.

Sinimulan ang selebrasyon ng float parade kaninang umaga kung saan nakuha ng Brgy. Simbo ang special award na Best Float, isa naman sa highlight ng selebrasyon ay ang Kapitan Cooking Contest kung saan nakuha ni Punong Barangay Ronaldo R. Bantang ng Brgy. Cebuano ang unang pwesto, 2nd place naman si Punong Barangay Reynaldo C. Alburo Sr. Ng Barangay Linan, at 3rd Place si Punong Barangay Cyril D. Sales ng Brgy. Bololmala. Isa rin sa kompetisyon ng naturang selebrasyon ang Quiz Bee kung saan nanalo ang Tupi Central School, pumangalawa nang Polonuling Elementary School at pumangatlo ang BEST School of Tupi.

Sa poster making naman ay nakuha ng Tupi National High School ang 1st at 2nd Place at 3rd place ang Jose Es cobillo National High School, habang sa A-one Child ay nakuha ng Tupi Alliance Elemntary School ang unang pwesto.

Mapag-aalamang ang mga nanalo sa piling kompetisyon ay magiging representante ng Bayan ng Tupi sa Provincial Culmination na gaganapin sa Bayan ng Banga sa darating na July 31.

Ang tema ng nasabing selebrsyon ang “Timbang Iwasto sa Tamang Nutrisyon at Ehersisyo.”

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento