Mga Pahina

Biyernes, Hulyo 31

Dating Vice Mayor Tamayo, pumanaw na sa edad na 86

Namaalam na ang dating Bise Alkalde ng Bayan ng Tupi na si Loreto Sanchez Tamayo sa edad na 86.

Naisugod pa ito sa Allah Valley Medical Specialist Incorporated, ng Lungsod ng Koronadal ngunit binawian rin ito ng buhay bandang alas 3:00 ng madaling araw kanina, July 31. 

Sa panayam ng Radyo Kahiusa 99.3 kay Tupi Municipal Councilor Roseller Tamayo, isa sa mga anak, wala namang naiulat na sakit ang kanyang ina at tanging katandaan lamang ang nakikitang dahilan ng pagpanaw.

Nagsilbing Municipal Councilor sa Tupi ng limang taon si Tamayo mula 1988-1992. At nailuklok ito bilang Bise Alkalde taong 1992 at nanungkulan sa loob ng pitong taon.

Iniwan nya ang apat na anak at labindalawang apo.

Ang panganay niyang anak na si Reynaldo S. Tamayo Sr., ay kasalukuyang Regional Director ng Department of Public Works and Highways. Board Member naman ng Probinsya ng South Cotabato 1st District ang pangalawa nyang anak na si Romeo S. Tamayo. Ang pangatlong anak nya naman na si Roseller S. Tamayo ay Municipal Councilor ng bayan. Bunso naman sa apat na magkakapatid at nag-iisang babae si Dr. Mary Janet Tamayo-Marcellino na nagtatrabaho bilang Chief Doctor ng Roel I. Senador Memorial Hospital ng bayan.

Siya rin ay ang butihing lola ng kasalukuyang alkalde ng bayan ng Tupi na si Mayor Reynaldo S. Tamayo Jr.

Samantala, inilalarawan naman ni Councilor Roseller na isang masikap at maalagang ina sa kanyang mga anak si Loreto.

Dagdag pa niya, kahit isang simpleng mananahi lamang ang ina at isang magsasaka ang tatyo nito ay nagsikap pa rin silang itaguyod ang pamilya at bigyan ng magandang kinabukasan ang mga anak na ngayon ay namamayagpag na sa kani-kanilang larangan o propesyon.

Nakahimlay ngayon ang mga labi ng namapayapang bise alkalde sa Prk 2, Nat'l High Way sa bahay ng kanyang bunsong anak na si Dra. Marcellino at nakatakdang ihatid sa kanyang huling hantungan sa darating na Agosto 9 sa Holy Trinity Memorial Park.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento