Nagharap sa panghuling kompetisyon ang mga kalahok ng 2nd Governor Daisy Avance-Fuentes Cup-Search and Rescue Olympics 2015 ngayong araw, July 24.
Nagpakitang gilas ang limang Search and Rescue Organization of the Local Government Units ng Probinsya ng South Cotabato sa pagsagawa ng Hailing na kung saan ang eksena ay landslide.
Ang sumusunod ay ang criteria for judging: (1) Safety-30%, (2) Proper Execution/Accuracy-30%, (3) Speed- 20% and (4) Teamwork-20%.
Nagtagisan ng galing ang mga partisipante sa Vehicular Accident Extrication Martes ng umaga at kahapon naman ay ang River Crossing (Highline Set-up).
Nakatakda naman ang Awarding Ceremony ngayong alas 3 ng hapon na gaganapin sa Barangay Poblacion covered court.
Ang tatanghaling Champion ay makakatanggap ng P15,000 at trophy, ang 1st runner-up ay makakakuha ng P12,000 at trophy at ang 2nd runner-up ay makapag-uuwi ng P10,000 at trophy.
Mayroon namang inihanda ang PDRRMC Technical Working Group na Best/Special Awards sa sumusunod na larangan: (1) Highline, (2) Extrication, (3) Hailing, (4) Camp Management at, (5) Documentation. Ang bawat special award ay may kaukulang cash prize na nagkakahalaga na P1,500 at certificate.
Bukod sa Tupi, kalahok din ang Bayan ng Sto Nino, Tampakan, Lungsod ng Koronadal at T'boli.
Matatandaang nasungkit ng Tupi SAR team ang pangalawang pwesto sa nagdaang Governor's cup noong 2015.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento