Mga Pahina

Huwebes, Agosto 6

Blood Letting, isinasagawa sa Brgy. Cr. Rubber

Kasalukuyang isinasagawa ang blood letting activity sa Barangay Cr. Rubber, Gymnasium ngayong araw-August 6.

Ang naturang aktibidad ay piangnahan ng Tupi-Rural Health Unit katuwang ang Provincial Blood Bank Staff na nakaplano ring magsagawa ng parehong aktibidad sa iba pang barangay sa bayan.

Pwede ring tumungo ang mga residente ng Brgy. Kalkam at Brgy. Lunen upang magdonate ng dugo.

Maari pong mag donate ng dugo ang nasa edad 16-50 years old na may bigat na hindi bababa sa 110 pounds o 50 kls at mayroong malusog na pangangatawan.

Makakatanggap naman ng libreng doctor’s check-up, free laboratory tests, magkakaroon ng donor’s card at iba pa.


Layunin ng nasabing aktibidad na magkaroon ng sapat na supply ng dugo ang munisipyo para sa mga nangangailangan na residente ng Bayan.


Magkakaroon ng parehong aktibdad sa Palian Gymnasium sa August 20, Cebuano Gymnasium  sa September 10, Municipal Health Office- Brgy. Poblacion sa September 24, Acmonan Gymnasium sa October 8, Polonuling Gymnasium sa October 22.












Walang komento:

Mag-post ng isang Komento