Matagumpay na nakumpleto
at nagtapos kamakailan ang nasa dalawampu’t isang empleyado ng Lokal na
Pamahalaan ng Bayan ng Tupi sa tatlong araw na Pre-Marriage Counseling Training
of PMC Counselors.
Narito ang mga mahahalagang
paksa na kanilang pinag-aralan: Adult Learning Principles, Gender and
Sexuality, at Pre-Marriage Counseling Contents and Process Manual.
Bago pa nila nakuha ang
kani-kanilang Certificate of Completion ay sumailalim muna ito sa Practicum o
Demonstration gamit ang Pre-Marriage Counseling manual guide.
Ang naturang pagsasanay ay
pinangunahan ng Provincial Population Office.
Matatandaang, isa sa mga pangunahing
requirements bago maikasal ang sumailalim sa Pre-marriage Counseling na pinangangasiwaan
naman ng Municipal Civil Registrar.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento