Naging matagumpay ang isinagawang
ebalwasyon ng Provincial Composite Team ukol sa 2016 Search for Excellence in
Disaster Risk Reduction Management and Humanitarian Assistance sa Bayan ng
Tupi.
Ito ay ginanap sa Sanggunian
Bayan Session Hall kahapon.
Ayon kay Civil Defense Officer II
Emil T. Sumagaysay, hanga umano ang mga evaluators sa mga ipinatutupad na mga
programang may kinalaman sa Disaster Risk reduction And Management at Climate
Change Adaptation.
Nagbigay rin ng iilang
recommendations ang evaluation team gaya ng paglakip ng capacity ng evacuation
centers sa mapa at iba pa. Ngunit ayon naman kay Sumagaysay ito ay pawang mga
minors lamang.
Ibinase ang ebalwasyon sa apat na Themetic Areas: Ito ang Prevention and
Mitigation, Preparedness, Response, at Recovery and Rehabilitation.
Samantala, nagmula sa Department
of Interior and Local Government Region XII, Provincial Planning and
Development Office, Provincial Bureau of
Fire Protection, South Cotabato Provincial Police Office at Provincial
Engineering Office ang Provincial Composite Team.
Isinali rin sa nasabing
ebalwasyon ang dalawang barangay dito sa bayan ng Tupi. Para sa Urban Category
ay ang Barangay Poblacion at
sa Rural Category naman ang Brgy. Cebuano
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento