Naging matagumpay ang limang araw na deployment ng PNP-Tupi sa iba't-ibang barangay o mga paaralan na pinagdausan ng botohan o eleksyon dito sa bayan ng Tupi.
Matatandaan 23 na mga kapulisan ang deneploy.
Ito ay pinangungunahan ng ating Police Chief Inspector Rey Develos Egos.
Ang nasabing deployment ay ukol sa pagbabantay ng ating mga kapulisan sa mga election paraphernalias gaya ng Vote Counting Machine, election ballots at iba pa.
Samantala pagkatapos ng eleksyon ay patuloy pa rin nilang binantayan ang mga ito hanggang May 13, Biyernes para maibalik sa National Office ng Commission on Election.
Naging katuwang din nila ang 27th Infantry Battalion, Philippine Army, Kafgu, at mga Barangay Tanod sa pagpapanatili ng isang maayos at mapayapang eleksyon.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento