Mga Pahina

Huwebes, Mayo 19

Panibagong 9 displaced families pansamantalang nananatili sa Tupi Evacuation Center, LGU-Tupi nagpa-abot ng tulong

Nagbigay ng ayuda ang Lokal ng pamahalaan ng Bayan ng Tupi sa pamamagitan ng Municipal Social Welfare and Development Office at Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office sa panibagong displaced families na nagmula sa Barangay Polonuling.

Ang karagdagang siyam (9) na pamilya o tatlumput isang (31) indibidwal ay pansamantalang nananatili ngayong sa Tupi Evacuation Center.

Kasama na nila ang naunang batch na ngayo”y  labin-tatlong pamilya na lamang mula sa orihinal na bilang na dalawampo’t apat.


Umano’y away pulitika ang tinuturong dahilan ng pagpapa-alis sa kanila.

Samantala,  pumunta na sa Brgy. Polonuling ang local na pamahalaan upang maghanap ng lugar na kung saan pwedeng tirahan ng mga displaced families.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento