Nagsimula na kahapon ang
Agri-Crop Production Training na dinaluhan ng mga Municipal Rice Coordinators
sa buong Rehiyon Dose.
Ito ay pinangasiwaan ng
Agricultural Training Institute XII na naglalayong mas lalo pang mapalawig at
mapagtibay pa ang kapasidad ng mga Rice Coordinators sa Agricultural crop
production.
Bilang kinatawan ng Bayan ng Tupi
ay dumalo si Jeric Sim ng Office of the Municipal Agriculturist.
Magtatagal ng limang araw ang
naturang pagsasanay na kung saan gaganapin ang diskusyon o review sa naturang
training site at ang assessment naman ay isasagawa sa SUNAS, ng Bayan ng Surallah.
Makakatanggap ng NCIII-ACP TESDA
certification ang mga dumalo.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento