Mga Pahina

Biyernes, Hulyo 31

Bayan ng Tupi, tumanggap ng P60M galing sa DA




Tinanggap ni Tupi Mayor Reynaldo S. Tamayo Jr., ang may P60, 485, 542. 26 halaga ng proyekto at ayudang ipinagkaloob ng Department of Agriculture para sa Bayan ng Tupi.

Ito ay ginanap kahapon July 31, kasabay ng Grand MassDistribution of Farm Machines, Fund Transfer at Other Project para sa buong Rehiyon XII na pinangunahan ni DA Secretary Proceso J. Alcala sa Regional Filed Office ng DA, Lungsod ng Koronadal.

Ipinagkaloob sa Tupi ang Certificate of No Objection Letter 2 para sa Concreting ng Cebuano-Linan Farm-to-Market Road na nagkakahalaga ng P57, 008,806.97.

Ang sumusunod ay tinanggap din ng Tupi:
1. Coffee at Cacao Dryer- P110,000.00
2.  Red Onion with Fertilizer- P200,000.00
3. Yellow Onion with Fertilizer- P200,000.00
4. Inorganic Fertilizer- P87, 500.00
5. Organic Fertilizer- P291,000.00

Tumanggap naman ng Farm Tractor na may halagang P2,588,235.29 ang South East Asian Institute of Technology.

Tinatayang umabot sa higit 3,000 farmers, fisherfolks at partners ng DA ang sumaksi sa nasabing malawakang distribution.

Dumalo rin sina Governor Daisy Avance Fuentes ng South Cotabato, Governor Steve Solon ng Sarangani, Congressman Jesus Sacdalan, mga Punong Alkade at Directors ng ibat-ibang ahensiya ng rehiyon.

Sa kabuuan, umabot ng P1.4 Bilyon ang halaga ng nasabing Mass Distribution ng Farm Machines, Fund Transfers (Checks), Awarding of NOL1 for PRDP I-Build Projects, Certificate of Availability of Funs of BUB Livelihood Projects, at Virtual Turn-Over of FMR and Small Scale Irrigation Projects.




Walang komento:

Mag-post ng isang Komento