Mga Pahina

Martes, Hulyo 28

Kapitan Cooking Contest, tampok sa Nutrition Month Culmination


Tampok sa 41st Kulminasyon sa Nutrisyon ang Kapitan Cooking Contest ngayong araw na gaganapin sa Tupi sports and Cultural Gymnasium.

An naturang cooking contest ay hindi isang ordinaryong paligsahan sa pagluluto dahil lalahukan ito ng mga Kapitan ng ibat-ibang Barangay ng bayan.

Nilahukan ito ng walong Barangay,kabilang ang Brgy.Simbo, Kalkam, Linan, Bolomala, Kalkam, Tubeng,  Cebuano, Kablon at Brgy. Poblacion.

Ang mananalo na naturang paligsahan ay magiging kinatawan ng Bayan ng Tupi sa Provincial Culmination na gaganapin sa Banga sa darating na July 31.

Ang naturang paligsahan ay kaugnay sa selebrasyon ng 41st Nutrition Month Culmination.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento