Mga Pahina

Martes, Hulyo 28

Nutrition Month Culmination, idadaos ngayong araw

Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng 41st Nutrition Month ay magsasagawa ang Bayan ng Tupi ng Kulminasyon sa Nutrisyon ngayong araw July 28 sa Tupi Sports Sports and Cultural Gymnasium.

Sinimulan ito ng isang motorcade bilang simbolo ng pagbubukas ng naturang selebrasyon.

Kasalukuyan namang nagaganap sa Tupi Gym ang ibat-ibang paligsahan tulad na lamang na Cooking Contest, Zumba Dance Contest, A one Child, Poster Making Contest at Quiz Bee.

Inaasahang dadalo sa nasabing kulminasyon sina Tupi Mayor Reynaldo S. Tamayo Jr., Councilor Glen C. Hatulan, Councilor Ruby Hatulan Navarro at si Officer IV Commision Affairs ng Provincial Nutrition Action Office Ms. Maria Ana D. Uy.

Mapag aalamang ang mananalo sa Cooking Contest, A One Child at Zumba Dance  ay siyang magiging kinatawan ng Bayan ng Tupi sa Provincial Culmination na gaganapin sa Bayan ng Banga sa darating na July 31.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento