Mga Pahina

Huwebes, Hulyo 30

Marbel Critical Watershed pag uusapan

Magsasagawa ang City Environment and Natural Resources Office (CENRO)  ng pagpupulong ukol sa Marbel Critical Watershed at pati na rin sa Climate Vulnerability sa August 4 na gaganapin sa City Disaster Risk and Reduction and Management Council Office, Lungsod ng Koronadal.

Katuwang ng CENRO ang mga Graduate School students na kasalukuyang kumukuha ng Masters in Tropical Risk Management Graduate School Students Batch 2 sa pagsagawa ng analysis sa nasabing watershed.

Layunin ng nasabing pagpupulong na ilatag ang mga findings na nadiskubre ng grupo ukol sa watershed kung may masamang maidudulot ba sa tubig ang conversion ng mga lupa.

Inaasahang dadalo sa nasabing pagpupulong si MENRO Designate Rolando T. Visaya.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento