“Malaki ang aking pasasalamat dahil tayo ang napili at ito ay isang
napakalaking bagay na babain tayo ng mga hindi basta-bastang tao,” ito ang
pahayag ni Punong Barangay Joselito "Mao" Yabut.
Ito ay matapos na pinili ng Career Executive Service Board ang Barangay Poblacion bilang isa sa kanilang laboratory site sa ilalim ng Integrated Gabay ng Paglilingkod Training Course program na isinagawa kahapon July 29.

Ilan sa mga iprinesenta ni Punong Barangay Yabut ay ang
Barangay Governance kabilang ang Structure, Policies, Systems, Tools and
Practices, Ecological Balance, Nature Conservation and Environmental
Protection, kabilang din ang Social Development kung saan napaapaloob ang
Health, Nutrition, Sanitation, Youth and Family Welfare at ang Disaster Risk
Assesment, Planning, Management and Response Capacity-Building.
Nasa 48 government executives mula sa iba't-ibang ahensiya ng gobyerno sa buong bansa ang sumailalim sa nasabing real life immersion activity na handang makakuha ng CESO rank.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento