Mga Pahina

Huwebes, Hulyo 30

NNC Central Office, sorpresang bumisita sa Radyo Kahiusa

Sorpresang bumisita ang National Nutrition Council Central Office staff sa estasyon ng Radyo Kahiusa 99.3 Community Radio, ngayong hapon July 30.

Nagsagawa ng ebalwasyon at pagsusuri sina sina, Malou Enteria, National Officer IV, Melody Melorijk, National Officer III sa sumusunod na aspeto ng estasyon: (1) Technical operation, (2) Broadcast operation at time of visit, (3) Station on air sound, (4) Programming, (5) Monitoring from National Telecommunications Commission (NTC), (6) Management, (7) Sustainability, (8) Impact at iba pa.

Kasama rin nilang bumisita ang kinatawan ng MQ Mediazone na si Mackay Quadra at ang NNC Region XII Program Coordinator na si Arceli Latonio.

Mapag aalamang ito ang kauna-unahang pagbisita ng nasabing Central Office staff sa Nutriskwela Community Radio Network Program ng Tupi.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento