Mga Pahina

Biyernes, Hulyo 31

Tupi, kalahok sa Provincial Nutrition Month Culmination

Tumulak na ang delegasyon ng Bayan ng Tupi ngayong araw para sa 41st Provincial Nutrition Month Culmination sa Bayan ng Banga.

Siyam na munisipalidad sa buong probinsya ng South Cotabato kabilang na ang Tupi ang magtatagisan sa kompetisyon ng “Cooking Punong Barangay”, A-one Child at Zumba dance contest.

Sasabak sa Cooking Punong Barangay Contest si PB Ronaldo Bantang ng Cebuano, habang kalahok naman sa A-one Child si Kerenza Jan Lucariza ng Alliance Elementary School.
Pambato naman ng Tupi ang Brgy Miasong sa Zumba dance contest.


Ang napiling mga kalahok ngayon sa provincial level ay ang mga tinanghal na mga nagwagi sa nasabing iba’t-ibang kompetisyon sa isinagawang nutrition month culmination sa bayan noong Martes, July 28.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento