Mga Pahina

Miyerkules, Hulyo 29

Tungkulin ng Radyo Kahiusa sa panahon ng kalamidad, kinilatis ng CEM gov't executives participants!

Kinilatis ng dalawang government executives na kasalukuyang kumukuha ng Community Engagement Module sa ilalim ng Career Executive Service Board ang importanteng tungkulin ng Radyo Kahiusa sa komunidad sa panahon ng kalamidad.

Ito ay kaugnay sa kanilang pagbisita sa Bayan ng Tupi at pagsagawa ng real-life immersion activity at validation sa Barangay Local Government Unit of Poblacion ngayong araw, July 29.

Ilan sa mga tanong ng mga bumisitang Executives na konektado sa Manila Light Trail Agency at Land Transportation Office ay ang mga tungkuling ginagampanan ng Radyo Kahiusa sa panahon ng mga kalamidad at paano ito nakakatulong sa aspetong pangkomunikasyon ng naturang bayan.

Hindi naman nag alinlangan ang naturang Community Radio sa pagsagot ng mga katanungan lalo na ang Station Manager ng Radyo Kahiusa 99.3  Rolando T. Visaya.

Inimbitahan rin ang isang kinatawan ng Tupi TODA upang sumagot sa mga katanungan tungkol naman sa tungkuling ginagampanan ng transport group ng naturang bayan.

Ito ay isang bahagi lamang ng naturang programa ng Integrated Gabay ng Paglilingkod Training Course na isinasagawa ng nasabing tanggapan  para sa mga senior executive sa Gobyerno na handang ilagay sa isang CESO rank.



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento