Napili ang Kalkam Elementary School at ang Cebuano National
High School bilang representante ng Bayan ng Tupi para sa Search for Solid
Waste Management Model Schools sa Probinsya ng South Cotabato.
Nagsimula noong nakaraang linggo ang pag pipili sa magiging
representate sa naturang kompetisyon, ilan sa mga napabilang sa pinag pilian
para sa elementary category ay ang Bunao
Elementary School, Kalkam Elementary School at Tupi Central School, habang sa
High School level ay ang Polonuling National High School, Kablon National High
School at Cebuano National High School.
Napapaloob naman sa criteria o basehan ng pagpipili ay ang
practices in Solid Waste Management tulad ng School Garden, Burmy Composting, Central
Material Recory Facility, Residual Collection Area, Product for Material Recovery
at Segregation.
Napabilang naman si Administrative 8 Baser Demalilay at
Gilbert Juele bilang representante ni MENRO Designate Rolando T. Visaya sa mga
nag evaluate at pumili.
Nakatakdang magsisimula ngayong lingo ang unannounced evaluation
sa mga paaralang napili para Provincial Level ng Search for SWM Model School Provincial
Level.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento