Mga Pahina

Biyernes, Hulyo 24

Tupi Team, kampeon sa 2nd Gov. Fuentes Search & Rescue Olympics!

Tinanghal na kampeonato ang Tupi Search and Rescue Team at naiuwi ang kabuuang halaga na P17,000 sa katatapos lamang na 2nd Governor Daisy P. Avance-Fuentes Cup: SAR 2015, Barangay Poblacion covered court, July 24.

Sa isinagawang Closing Ceremony, nasungkit naman ng Lungsod ng Koronadal at Sto Nino, ang pangalawa at pangatlong pwesto at tumaggap ito ng P14,000 at P12,000 bilang cash prizes.


Nakuha ng Tupi SAR Team ang unang pwesto sa Vehicular Accident Extrication at Highline & Victim Packaging habang pinangaralan naman ang Tampakan sa serye ng Hailing.

Bukod pa rito, hinirang ang Tupi bilang may Best Documentation at ang Best Camp Management naman ay ibinigay sa Sto Nino.

Binubuo ng BFP-South Cotabato, Integrated Provincial Health Office, PSWDO, PRC-SoCot Chapter, PNP at OCD Region XII ang PDRRMC Technical Working Group na sya ring mga evaluators.






Walang komento:

Mag-post ng isang Komento