Mga Pahina

Lunes, Hulyo 27

Tupi, handang handa na sa pagdating CESB

Naghanda ang bayan ng Tupi sa pagdating ng mga Career Executive Service  kaugnay sa kanilang isasagawang training program. 

Matatandaang napili ng CESB ang Barangay Poblacion bilang laboratory site para sa nasabing proyekto.

Ang naturang programa ay Integrated Gabay ng Paglilingkod Training Course na isinasagawa ng nasabing tanggapan  para sa mga senior executive sa Gobyerno na handang ilagay sa isang CESO rank.

Ang Integrated Gabay ng Paglilingkod Training course ay pangalawa sa dalawang  major courses sa ilalim ng Executive Leadership Program na isinasagawa ng Career Executive Service Board.

Matatandaang bumisita si Supervising Personnel Specialist at Career Executive Service Board na si Christopher Calugay upang humingi ng iilang dokyumento

Ayon kay Calugay, gagamitin ang mga dokyumento mula sa Municipal Planning and Development Office at iba pang tanggapan ng munisipyo upang mabigyan ang mga lalahok sa programa ng isang malinaw na pahayag bilang patunay na karapat dapat ang Bayan ng Tupi bilang kanilang laboratory site.


Tinatayang apat na pung walong Executives ang darating sa Bayan ng Tupi bukas.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento