Mga Pahina

Lunes, Hulyo 27

Mayor Tamayo, pinuri ang Tupi Team sa pagwagi sa SAR Olympics '15

 Tinanghal na kampeonato ang Tupi Search and Rescue Team at naiuwi ang kabuuang halaga na P23,000 sa katatapos lamang na 2nd Governor Daisy P. Avance-Fuentes Cup: Search and Rescue Olympics 2015, Barangay Poblacion covered court, July 24.

Nakuha ng Tupi SAR Team ang unang pwesto sa Vehicular Accident Extrication at Highline & Victim Packaging.

Bukod pa rito, hinirang ang Tupi bilang may Best Documentation.

Ang SAR Olympics ay binubuo ng BFP-South Cotabato, Integrated Provincial Health Office, PSWDO, PRC-SoCot Chapter, PNP at OCD Region XII  at ang PDRRMC Technical Working Group na sya ring mga evaluators.


Muli naming iginawad ni Tupi Mayor Reynaldo S. Tamayo Jr. ang tropeyo sa Regular Monday Morning Convocation sa mga nagwaging responders, ani niya, hindi na bago ang pagkapanalo ng Tupi Team dahil nakita niya ang maayos na pag responde ng rescue team sa dumaang mga kalamidad sa bayan, bagamat ipinagmamalaki niya ang mga ito. 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento