Mahigit kumulang P1.1-M ang
ipamimigay sa 953 na IP beneficiary kaugnay sa programa ng National Government.
Ang programang ito ng gobyerno
ay may nakalaang kondisyon sa bawat benepisyaryo, kabilang na rito ang
edukasyon, kalusugan at ang pagdalo sa mga session na pinangangasiwaan ng ibat-ibang
tanggapan.
Ang unang kondisyon ay ang alokasyon
sa edukasyon kung saan ang mga benepisyaryo ng nasabing programa ay ang mga
magulang na may anak na 0-18 taong gulang at nag-aaral.
Ang pangalawang kondisyon ay
ang pangkalusugan kung saan ang mga benepisyaryong buntis ay inoobligang
manganak sa health centers. Ang mga batang nasa eda 0-6 taong gulang naman ay
inoobligang sumailalim sa deworming dalawang beses sa isang taon.
Ang pangatlong kondisyon ay
ang pagdalo sa mga session na pangangasiwaan ng ibat-ibang tanggapan ng
gobyerno tulad ng effective parenting, disaster preparedness, health at iba pa.
Ayon kay Tupi Mayor Reynaldo
S. Tamayo Jr., inaasahan niyang mapunta ang pera sa makabuluhang bagay, dahil ang
pinakaimportante ay mabigyan ng edukasyon ang mga kabataan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento