Mga Pahina

Miyerkules, Agosto 5

Dr Claveria sa mga Tupinians: “Mag-ingat sa mga sakit dulot ng ulan”


Kahit lumipas na ang buwan ng tag-ulan ay halos araw-araw ay umuulan parin sa Bayan ng Tupi.

Ayon kay Dr. Lester Claveria, Medical Officer IV ng Tupi-Rural Health Unit,  tuwing ganito ang panahon ay nauuso ang mga sakit dulot ng tag-ulan.

Kaugnay nito, pinaalalahanan ni Dr. Claveria ang mamamayan ng Tupi na mag-ingat sa mga sakit gaya ng Transkaso, Ubo at Sipon, Water-borne diseases, Tae-Tae at Dengue.

Dagdag pa niya, kailangan umanong kumain ng masustansiyang pagkain gaya ng gulay at prutas upang malabanan ang nasabing sakit.

Magiging malakas ang resistensya kapag uminom ng maraming tubig, umiwas sa pagpupuyat at matulog sa tamang oras.


At kung mayroong lagnat ng 2-3 araw ay mas mabuting magpakonsulta na sa doctor o pumunta sa malapit na health center.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento