Mga Pahina

Miyerkules, Agosto 5

Bilang ng mga negosyante sa Tupi, tumaas ng 83%

Mahigit 83% ang itinaas ng bilang ng mga negosyanteng namumuhunan sa Bayan ng Tupi mula 2010 hanggang sa kasalukuyan.

Sa datus na ibinigay ni Dennis Pacres, Business Processing Licensing Designate, umabot na sa 729 na rehistradong negosyante sa  lokal na pamahalaan sa loob ng limang taon.

Noong 2010 ay mayroon lamang 398 na negosyanteng rehistrado.

Malaki ang itinaas ng porsyento ng mga negosyante sa bayan matapos na mailuklok sa pwesto si Tupi Mayor Reynaldo S. Tamayo Jr.,bilang

Ayon kay Tamayo, sa pagtaas ng bilang ng mga negosyante at mamumuhunan sa bayan, ay sumabay rin ang pagtaas ng bilang ng mga job opportunities na inaalok sa mga mamamayan ng bayan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento