Nag alay ng isang mataimtim
na dasal ang Lokal na Pamahalaang Bayan ng Tupi para sa pagpanaw ng dating Bise
alkalde ng Bayan na si Loreto S. Tamayo kasabay ng Regular Morning Monday
Convocation ngayong araw.
Matatandaang sumakabilang
buhay na si dating bise alkadle Loreto Tamayo, alas 3:00 ng madaling araw, noong Biyernes, July 31.
Nagsilbing Municipal
Councilor sa Tupi ng limang taon si Tamayo mula 1988-1992 at nailuklok ito
bilang Bise Alkalde taong 1992 at nanungkulan sa loob ng pitong taon kung kaya’t
ganoon na lamang ang pagpapahalaga sa paggunita ng lokal na pamahalaan sa mga
alaala ng dating bise alkalde.
Nakahimlay ngayon ang mga
labi ng namapayapang bise alkalde sa Prk 2, Nat'l High Way sa bahay ng kanyang
bunsong anak na si Dra. Marcellino at nakatakdang ihatid sa kanyang huling
hantungan sa darating na Agosto 9 sa Holy Trinity Memorial Park.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento