Magsasagawa ang City
Environment and Natural Resources Office (CENRO) ng pagpupulong ukol
sa Marbel Critical Watershed at pati na rin sa Climate Vulnerability na
gaganapin sa City Disaster Risk and Reduction and Management Council Office,
Lungsod ng Koronadal, bukas, August 4.
Katuwang ng CENRO ang mga
Graduate School students na kasalukuyang kumukuha ng Masters in Tropical Risk
Management Graduate School Students Batch 2 sa pagsagawa ng analysis sa
nasabing watershed.
Layunin ng nasabing
pagpupulong na ilatag ang mga findings na nadiskubre ng grupo ukol sa watershed
kung may masamang maidudulot ba sa tubig ang conversion ng mga lupa.
Inaasahang dadalo sa
nasabing pagpupulong si MENRO Designate Rolando T. Visaya.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento