Mga Pahina

Miyerkules, Agosto 5

Region XII naka Blue Alert Status,Tupi-MDRRMC handa na sa Bagyong Hanna!



Dahil sa iniulat na  unti-unti nang pumapasok sa Philippine area of Responsibiity (PAR) ang supertyphoon Soudelor na may local name na Hanna ngayong araw, August 5 ay naglabas ng direktiba ang Regional Disaster Risk Reduction and Management Council, Office of the Civil Defense XII ng pagaktibo ng Blue Alert Status sa buong rehiyon.

Ayon sa inilabas na komunikasyon na pirmado ni Regional Director Minda Morante, inatasan nya ang lahat ng Provincial, City/Municipal at Barangay DRRMC na imonitor ang sitwasyon ng kani-kanilang PAR at gawin ang sumusunod na mga precautionary measures: 
(1)  Activate LDRRMC Operation Center, 
(2)Magsagawa ng Pre-emptive evacuation kung kinakailangan; 
(3) Ihanda ang mga Search and Rescue assets at equipment. 
(4) Mayroong Back-up ng Communication, Power, Mobility, Deliver of Services gaya ng Tubig, Pagkain, Damit at mga gamot at 
(5) Siguraduhin na ang mga pangunahing daan ay walang sagabal at trapik.

Sa panayam ng 99.3 Radyo Kahiusa kay Civil Defense Officer III Emil T. Sumagaysay ay pinaaalahanan nya ang publiko na maging alerto at handa. 

Ayon kay Sumagaysa, "All-set" na ang Municipal Disaster Risk Reduction & Management Office sa Bagyong Hanna. 

Nakipag-ugnayan na rin ang kanyang opisina sa mga miyembro ng Tupi-MDRRMC tulad ng Tupi-BFP, Tupi-PNP, 27th IB at iba pa.

Nagpalabas na rin ito ng Memorandum Order No. 11 para sa mga Barangay-DRRMC.

Samantala, ayon sa PAG-ASA, bagama't hindi ito inaasahang tatama sa kalupaan ng Pilipinas, paiigtingin naman nito ang hanging habagat sa buong bansa hanggang sa susunod na linggo.


Tinuturing ito na pinakamalakas na bagyo para sa taong 2015.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento