Pinapatigil ng Barangay
Council ng Barangay Poblacion ang umanoy treasure hunting activity sa Prk. 3-A,
bayan ng Tupi.
Matapos makatanggap ng mga
reklamo sa mga concerned citizen ay agad na pinuntahan ni Punong Brgy. Joselito
Yabut kasama si Kgd. Rey Balanon ,Chairman on Committee on Environment, Kgd.
Vicente L. Trabado, Chairman on Public Safety at si Kgd. Vergel Javier na agad
na magsagawa ng ocular inspection sa nasabing inerereklamong lugar.
Napag-alaman sa
imbestigasyong ginawa ng Brgy.Council ng naturang Barangay na ang site ay pag
mamayari ni isang Ferlita Mayo at walang kauukulang permit ang nasabing aktibidad,
kung kaya’t ito’y agad na pinatigil.
Ipinatigil ang proyekto sa
kadahilanang ang hukay ay isinasagawa malapit sa electrcic tower ng National
Grid Corporation of the Philippines at maaring makaapekto sa isinagawang
aktbidad.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento