Mga Pahina

Miyerkules, Agosto 5

School-based immunization program sa Tupi sisimulan na sa susunod na linggo,

Sisimulan na sa susunod na Linggo ng Tupi-Rural Health Unit ang pagsasagawa ng School-based immunization program na target ang mga naka-enrol na Grade 1 at Grade 7 ng lahat ng pampublikong paaralan sa Bayan ng Tupi.

Ito ay ayon kay Marcelina Belaza, ang Expanded Program for Immunization Coordinator ng Tupi.

Sa panayam ng 99.3 Radyo Kahiusa kay Belaza, inaasahan na mabibigyan ng libreng bakuna ang nasa 1,393 Grade 1 pupils ng mga mababang paaralan ng bayan at nasa 1,507 naman na Grade 7 students ng  mataas na paaralan.

Ang ibibigay na libre ay ang Measles at Rubella (MR) Vaccine at Tetanus-Diphtheria (TD) Vaccine.

Pagkatapos mabakunan ay habambuhay ng ligtas sa sakit laban sa tetano at dipterya ang mga kabataan at maaring mabawasana ang pagkakasakit at kamatayan dahil sa tigdas at rubella.

Ang nasabing aktibidad ay isa sa mga programa na isinusulong ng Department of Health.




Walang komento:

Mag-post ng isang Komento