Pormal
nang nanumpa sa kanilang tungkulin ang nasa sampong (10) Indigenous People
Mandatory Representative (IPMR) kamakailan.
Ang
panunumpa ay pinangunahan ni Tupi Mayor Reynaldo S. Tamayo Jr.
Ang mga
IPMR ay nanggaling sa Barangay Acmonan, Bololmala, Bunao, Cebuano, Linan,
Lunen, Miasong, Polonuling at Tubeng.
Magiging
bahagi or miyembro na sila ng barangay council at maituturing na isang kagawad
ngunit ang kanilang isusulong ay karapatan at interes ng Indigenous Cultural
Communities o Indigenous Peoples
Ang
pagtatalaga ng IPMR sa sampong barangay ay base sa Republic Act 8371 section 16
na tinatawag na "Indigenous People right Act of 1997."
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento