Mga Pahina

Huwebes, Mayo 19

Grupo ng mga Out-of School Youth sa Tupi, inorganisa

Inorganisa ang mga out-of-school youth sa Tupi, isang paraan na kung saan nagbibigay daan upang talakayin ang mga problema na kinakaharap ng mga kabataan.

Sa katunayan limang barangay na sa bayan ang nagorganisa ng kanilang grupo na binubuo ng 15-24 taon gulang.

Suportado naman ito ng Municipal Social Welfare and Development Office na kung saan ay nagbibigay ng iba’t ibang pagsasanay at nagsasagawa ng aktibidad na nagpapalakas sa kakayahan at abilidad ng nasabing grupo ng kabataan.


Sa ngayon ay nasa apat na raan at dalawa na ang mga miyembro ng Pag-asa Youth Association of the Philippines (PYAP)-Tupi Chapter. 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento