Nasa isang libo apat na raan at
pitumpo’t siyam na senior citizen ng Bayan ng Tupi ang tumanggap kamakailan ng
kanilang social pension para sa second quarter ngayong taon.
Tanging ang Barangay Simbo at
Miasong na lamang ang hindi pa nabigyan sapagkat ang mga kawani ng Tupi Municipal
Social and Development Office mismo ang pupunta sa malalayong barangay na ito.
Ayon sa tala ng Tupi-MSWDO, ang Barangay
Poblacion ang may pinakamaraming benepisyaryo na mayroong kabuuang bilang na
dalawang raan at dalawampu’t isa (221) habang ang Tubeng naman ang may pinakamaliit
na bilang na mayroong apatnapu’t lima (45).
Tumatanggap
ng isanlibo at limandaang piso (P1,500) ang bawat senior citizen edad 65 anyos
at pataas kung napabilang sa National Housing Target System, at edad 77 anyos
at pataas naman kung hindi.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento