Mga Pahina

Lunes, Mayo 16

Apat na Barangay sa Tupi, sumailalim sa lecture ng iba’t-ibang batas na ikinasa ng Tupi-PNP

Apat na barangay ang sumailalim sa lecture ng iba’t-ibang batas na pinapatupad at umiiral sa bansa noong nakaraang lingo.

Ito ang Barangay Cebuano, Bololmala, Crossing Rubber, at Miasong.

Pinangasiwaan naman ang lecture ng Tupi Municipal Police Station katuwang ang Tupi Municipal Social Welfare and Development (DSWD) at Department of the Interior Local Government (DILG).

Tinalakay ang Gender and Development, ipinaliwanag ang Lambat-Sibat, inorganisa ang Barkada Kontra Droga ng mga kabataan.

Kasama ring tinalakay ang iba’t-ibang batas gaya ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Act of 2002 at iba pa.

Layon ng Tupi-MPS na magsagawa ng lecture sa lahat ng mga barangay na sakop ng Tupi.



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento