Mga Pahina

Martes, Mayo 17

16 PWDs sa Tupi, tumanggap ng wheelchairs

Labing anin (16) na Person with Disablilty (PWDs) ang maswerteng nakatanggap ng libreng wheelchair mula sa Dolefil's katuwang ang Mahintana Foundation Inc, kamakailan.

Ang pamamahagi ng wheelchair ay bahagi ng "Alay Gabay para sa Maginhawang buhay" programa ng Mahintana.


Layunin nito mapagaan ang pang-araw-araw na buhay ng mga PWDs at magkaroon ito ng mga  tiwala sa sarili sa kabila ng kanilang kapansanan.


Ayon kay Emmie Cawayan, focal person PWD  ang mga nakatanggap ay mga last year beneficiary kung saan may dalawampung (20) slots ngunit labin-anim (16) lamang ang dumating at nabigyan. 



Sa ngayon mahigit limang raan na ang kanilang naipamahagi sa SOCCSKSARGEN region at Bukidnoon.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento