Mga Pahina

Martes, Mayo 17

Konstruksyon ng P1M Bahay ni Nanay, nasa 50%

Kasalukuyang nasa limampung porsyento (50%) na ang natatapos na konstruksyon sa Bahay ni Nanay (Halfway House) na matatagpuan sa loob ng Municipal Compound, Bayan ng Tupi.

Ayon kay Engr Rasan Nolasco ng Tupi Municipal Engineering Office, na-install na ang mga bintana at pintuan, ceiling joist at kinakabit na ang mga atip.

Inaasahang matatapos ang pagpapatayo ng Bahay ni Nanay sa katapusan ng Hunyo ngayong taon.

Ang Bahay ni Nanay ay isang programang pangkalusugan ng Lokal na Pamahalaan ng Bayan ng Tupi.

Dito pansamantalang mananatili ng hanggang tatlong araw ang isang buntis, lalo na doon sa nakatira sa malalayong lugar, na nalalapit nang manganak o nasa kanyang due date na.

Dahil dito, mababawasan kung hindi man maiiwasan ang kaso ng mother and child mortality.

Tinatayang  nasa P955,000 ang kabuuang pondo para sa pagpapatayo ng Bahay ni Nanay.






Walang komento:

Mag-post ng isang Komento