Dalawampu’t pitong (27) sako ng early maturing variety ng binhi ng
palay at isang sako ng abono ang ipamamahagi sa mga rice producing barangay ng
Bayan ng Tupi.
Ayon sa Office of the Municipal Agriculturist, nilagay
pansamantala sa Central Mindanao Integrated Agricultural Research Center (CEMIARC),
Barangay Bololmala ang naturang mga sako ng binhi at abono.
Nagmula sa Department of Agriculture Region XII
ang naturang ayuda na layong pagkalooban ng magandang binhi ang mga magsasaka sa ng
bayan at makaani sila sa loob lamang ng siyamnapu’t limang (95) araw.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento