Hindi
pa tapos ang pamamahagi ng Social Pension sa nasa isang libo apat na raan at
pitumpo’t siyam (1, 979) na senior citizen ng Bayan ng Tupi.
Nagsimula
noong nakaraang linggo hanggang sa kasalukuyan ang pamamahagi.
Ayon sa
tala ng Tupi Municipal Social Welfare and Development Office, ang labin-apat na
barangay ng Tupi ay hindi pa na kumpletong nakatanggap ng kanilang pension.
Ang
Poblacion ay mayroon pang naiwang 24, ang Polonuling ay may 4 pang hindi nakakuha,
tatlo naman sa Crossing Rubber at Bololmala, Dalawa sa Cebuano at isa sa Tubeng
at Acmonan.
Tanging
ang Barangay ng Miasong na lamang ang hindi pa nabigyan kahit isa sapagkat ang
mga kawani ng Tupi MSWDO mismo ang pupunta sa malayong barangay na ito.
Tumatanggap
ng isanlibo at limandaang piso (P1,500) ang bawat senior citizen edad 65 anyos
at pataas kung napabilang sa National Housing Target System, at edad 77 anyos
at pataas naman kung hindi.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento