Mga Pahina

Miyerkules, Mayo 25

6 anyos na bata, nabundol ng motorsiklo

Nabundol ng isang motorsiklo ang isang anim na taong gulang na bata alas singko ng hapon kamakailan sa Sitio Saging, Barangay Acmonan Bayan ng Tupi.

Kinilala ang biktima na si Gilbert Sinambong. Habang isang Andrey Dibokas naman ang suspek.

Napag-alamang ang minamanehong Skygo Wizard na kulay asul ni Dibokas ay walang plaka.

Nagpapagaling na sa municipal hospital ang biktima habang ang motorsiklo ay nasa kustodiya ng Tupi Municipal Police Station.




Walang komento:

Mag-post ng isang Komento