Nagsagawa kahapon ng Ocular
Inspection ang Tupi Municipal Environment and Natural Resources katuwang ang Tupi
Municipal Police Station sa pinaghihinalaang illegal treasure hunting activity
sa Purok 3-A, Barangay Poblacion, Bayan ng Tupi.
Ang
umanoy treasure hunting ground ay pagmamay-ari ng isang Ferlita Mayo.
Ilang beses na rin nagkaroon
ng dayalogo ang barangay at ang inirereklamo.
Nag-issue na rin ng
Stoppage Order ang barangay at ipinapatigil ang
aktibidad sa kadahilanang ang hukay ay malapit sa electric tower line ng National
Grid Corporation of the Philippines.
Napag-alaman rin sa isinagawang
imbestigasyon ng kawani ng NGCP, kung
ipagpapatuloy pa ang paghuhukay ay posible umanong magkaroon ng pagguho at
apektado ang mga residente.
Ang NGCP electric tower line ay isang high
tension tower line na mayroong umaabot na 138,000 Volts.
Isinagawa ang inspeksyon sa
kadahilanang hanggang sa ngayon ay hindi pa rin nagkokomplay o naibigay ng
may-ari ang ang mga dokyumento at kaukulang permit para sa legal na
pagpapatuloy ng nasabing aktibidad na noong nakaraang taon pa hinihingi.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento