Mga Pahina

Miyerkules, Mayo 11

64 VCM ng Tupi, naging maayos ang "performance" sa Halalan 2016

Bukod sa paper jams at pag hang ng mga Vote Counting Machines, ay wala nang naitalang major o malaking problema kaugnay sa paggamit ng Vote Counting Machines noong Araw ng Eleksyon.  

Ayon kay VCM Coordinator dito sa Tupi na si Engr. Warlito Lauron, naging maganda naman ang performances ng nasa animnapu’t apat na mga VCM. 

Sa kanyang tala nasa labin-isang (11) VCM lamang ang nagkaroon ng aberya ngunit agaran naman itong nabigyan ng solusyon. 

Hindi rin nagamit ang dalawang (2) VCMs na  nakalaan bilang “contingency” kung saka-sakaling papalya ang mga makina.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento