Mga Pahina

Miyerkules, Mayo 11

Ilang barangay sa Tupi, naantala ang Election Returns Transmittal

Nakaranas nang pagka-antala o delay ang iilang barangay sa Bayan ng Tupi sa kanilang Election Returns Transmittal.

Ipinaliwanag naman ni Engineer Warlito Lauron, VCM  coordinator na ang kawalan ng signal ang dahilan kaya hirap sa paghahatid ng resulta sa halalan ang iilang barangay.

Sa pareho ring rason, may ibang barangay naman na nagresort o nagsagawa na lamang ng manual transmission.

Ngunit mas marami pa ring barangay ang mabilis sa pagtransmit ng kanilang election returns.

Bandang alas tres ng madaling araw ng Martes na natapos consolidate ang mga resulta ng halalan sa labinlimang barangay.

Pagkatapos ng dalawang oras ay naiproklama na ang mga nanalong Mayor, Vice Mayor at mga Konsehales.




Walang komento:

Mag-post ng isang Komento