Mga Pahina

Martes, Mayo 17

BFP-Tupi, nagsasagawa ng Ugnayan sa Barangay sa Tupi

Kasalukuyang isinasagawa ng Bureau of Fire Protection-Tupi ang Ugnayan sa Barangay kaugnay sa kanilang aktibidad ngayong buwan na Barangay Volunteer Fire Brigade.

Ito ay nagsimula noong nakaraang Linggo

Ayon kay FO1 Reynald Gil Tayo, layunin nito na mabigyang kaalaman ang mga mamamayan ng Tupi tungkol sa fire prevention safety tips sa pamamagitan ng oryentasyon at pamamahagi ng brochures sa mga residente.

Sa ngayon mayroong tatlong barangay na ang nabigyang serbisyo ng BFP-Tupi.

Ito ay ang Barangay Cr. Rubber, Palian at Polonuling.

Patuloy ang BFP-Tupi sa pagsasagawa ng Ugnayan sa Barangay hanggang sa matapos ang buwan ng Mayo.







Walang komento:

Mag-post ng isang Komento