Panibagong
seismic station ang inilagay kamakailan ng Philippine Institute of Volcanology
and Seismology (Phivolcs) sa Sitio Kitobo, Barangay Miasong Bayan ng Tupi.
Ito ay upang mapalakas ang
monitoring sa bulkan. Malaking tulong rin ang seismic station sa pagkuha ng mga
datus sa bundok at sa operasyon ng dalawang (2) unmanned stations” na nauna
nang inilagay ng Phivolcs.
Ang
nasabing mga "unmanned seismic stations'' ng Phivolcs ang matatagpuan sa
Sitio Alnamang, Barangay Palkan sa Polomolok at Barangay San Jose, Gensan na
siyang nagbabantay sa galaw at sitwasyon ng Mt. Matutum.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento