Nakatakdang pamahagian ng bigas ang mga residente ng Bayan ng Tupi
na apektado ng mahabang tagtuyot o El nino phenomenon.
Ayon kay Civil Defense Officer II Emil Sumagaysay, labinlimang
barangay ang apektado ngunit uunahin muna ang limang barangay na pinakana-apektuhan
ng El Nino base sa isinagawang Damage Assessment and Needs Assessment ng
Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office.
Sisimulan ang pamamahagi ngayong Linggo. Ito ay pangungunahan ng
Provincial DRRMO katuwang ang Red Cross.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento