Mga Pahina

Linggo, Mayo 22

Brigada Eskwela sa SoCot, aarangkada na sa huling linggo ng Mayo

Aarangkada ang Brigada Eskwela sa lahat ng elementary at sekondaryang paaralan ng Probinsya ng South Cotabato sa huling linggo ng Mayo ayon kay Assistant Schools Division Superintendent Mario Madrero.

Paglilinaw ni Madrero na ang partisipasyon ng mga magulang ay hindi inoobliga bagkus isang boluntaryong pamamaraan lamang.

Ayon pa kay Madrero na layong ihanda ang mga paaralan sa pasukan nang sa ganoon ay hindi na umano mismo ang mga estuyante ang gagawa pa nito.

Giit pa nito, mga “minor repairs’ ang gagawin ng mga magulang, miyembro ng iba’t-ibang organisasyon gaya ng PNP, Philippine Army at iba pang stakeholders sa panahon ng Brigada Eskwela.

Magkakaroon naman ng “contest” sa pagpapatupad ng Brigada Eskwela sa lahat ng mga paaralan dahil dito makikita kung gaano kalaki ang suporta na binibigay ng private sector.

Matatandaang tinaghal na best Brigada Eskwela Implementer ang Tupi National High School.

Samantala, maari nang pumunta ang mga pinuno ng bawat paaralan ng Tupi sa Office of the Mayor para sa mga kakailanganin sa paglunsad ng Brigada Eskwela.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento