Mas maraming mga engineer ang
magbabantay sa tamang pagpapatupad ng mga proyekto ng Department of Public
Works and Highways (DPWH) XII.
Mayroong itinalagang tatlumpo’t siyam (39) na bagong Engineer II mula sa
Regional Office at walo (8) naman mula sa mga District Engineering Office.
Sila ay ang sumailalim kamakailan
sa dalawampu’t isang (21) araw na Comprehensive training for Provisional
Accreditation of DPWH Field Engineers.
Layon ng pagsasanay na malinang ang kakayahan ng mga naturang kawani bilang mga
project engineers at mga project inspectors na siyang titiyak na tamang
proyekto ang ipapatupad sa tamang halaga, kalidad, oras at tao.
Samantala, mayroong kabuuang isandaan at animnapo’t siyam na on-going projects
na sakop ng South Cotabato 2nd District Engineering Office na kung
saan tatlumpo’t dalawa (32) rito ay ipinatutupad sa Bayan ng Tupi.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento