Mga Pahina

Linggo, Mayo 22

Isang araw na Community Service, pinataw sa lalaking nagtapon ng basura

Community Service ang ipinataw sa isang lalaking naaktuhang nagtatapon ng basura sa Purok 11-C.

Ito ay kinilalang si Anatolio Tenorio na residente ng Purok 11-A Poblacion bayan ng Tupi.

Mananatili si Tenorio sa Eco park ng isang araw upang maglinis kapalit ng kanyang paglabag sa batas.

Samantala, ang unang penalty niya ay dalawang Libo na may kasong Bulk Dumping.

Ang pagtatapon at pagsusunog basura ay isang paglabag sa ipinatutupad na Municipal Ordinance No. 497 series of 2006.  (Zy)  

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento