Mga Pahina

Miyerkules, Mayo 11

Higit 2K estudyante sa Tupi, isinilalim sa Drug Testing

Nagsagawa nang random Drug Testing ang Tupi Rural Health Unit ibat ibang paaralan dito sa Bayan ng Tupi.

Nagsimula ang pagsagawa ng drug testing noong buwan ng Enero hanggang ngayong buwan ng Mayo.

Nasa 2, 282 na mga kabataan ang isinailalim sa random drug testing.

Ang mga ito ay mga estudyante ng Tupi National High School, Cebuano  National High School, Bacquial National High School, Polonuling National High School, at General Paulino Santos Memorial Institute.

Matatandaang naging panukala sa Bayan ang pagsagawa ng random drug testing sa mga estudyante ng high school at kolehiyo bilang pangontra sa paglaganap ng drogra na kung saan ang mga estudyante ang “vulnerable group” na target na maging biktima ng ipinagbabawal na gamut.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento