Mga Pahina

Miyerkules, Mayo 11

Tupi-RHU, nagsagawa ng the fogging sa barangay Acmonan

Isa ang barangay Acmonan sa nangungunang barangay na nakapagtala ng pinakamaraming kaso ng Dengue kung kaya’t nagsagawa ng malawakang fogging ang Tupi-Rural Health Unit sa naturang barangay.

Ang fogging ay isa mga prevention activities na isinasagawa ng Tupi-RHU upang maibaba ang kaso ng dengue victims kung hindi man ito tuluyang mapigilan.

Pinaalalahan naman ng Tupi-RHU ang mga mamamayan na maglinis ng kapaligiran upang maiwasan ang pagdami ng lamok at pagkalat ng sakit na dengue.

Ayon sa datos, umabot na sa isang daan at tatlumput isa (131) ang kaso ng dengue sa bayan mula buwan ng Enero hanggang Abril.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento